MANILA, Philippines - Isinasailalim sa imbestigasyon ng Manila Police District-General Assignment Section ang isang Filipino-Chinese na nagwala, nanutok ng baril at nagpaputok nang dahil lamang umano sa away nilang mag-asawa at sa dinaranas umanong post traumatic experience matapos mabiktima ng umano’y kidnapping, sa Tondo, Maynila, kahapon ng hapon.
Binitbit ni MPD-station 2 chief, Supt. Ferdinand Quirante ang suspect na si Benjamin Yu, ng Unit 1908, 19th floor ng Empire Plaza Building na matatagpuan sa panu lukan ng Masangkay at Bambang sts., sa Tondo, na diumano ’y isang confidential agent.
Sa inisyal na impormasyon, bago mag-alas 3:00 ng hapon nang makarinig ng mga putok ang mga kalapit na kuwarto ng biktima at may nakitang usok umano mula sa loob ng silid nito. Agad umanong nagsipagkatukan ang mga residenteng kalapit na condominium units
Dahil sa tawag ng ilang residente sa nasabing floor, agad namang tumawag sa fire hotline ang security guard ng nasabing gusali hanggang sa magsidatingan ang ilang fire volunteer, Bureau of Fire Protection, Special Weapons and Tactics (SWAT), Mobile Units at mismong hepe ng MPD-station 2.
Dakong alas-4:41 nang akyatin na ng mga operatiba ang unit ng suspect at dinala ito sa MPD-station 2, bago naiturn-over sa MPD-GAS.