^

Metro

Cyber sex den protektado ng 2 ex-Manila dad, pulis

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Pinaiimbestigahan ni Manila Social Welfare and Development chief Jay dela Fuente ang isang cyber sex den sa Malate, Maynila kung saan ginagamit na front ang isang KTV bar na pawang mga menor de edad na babaeng ‘chatter’ ang ka­sama sa mga dinakip subalit agad ding pinaka­lawan matapos salakayin bunsod ng ‘utos’ umano ng naka­tataas na opisyal ng Manila Police District (MPD).

Ayon kay dela Fuente, kailangan nilang ikustodiya ang mga menor-de-edad upang agad na mabigyan ng proteksiyon. Ang mga Japanese KTV ay pinata­takbo ng ilang Japanese na­tionals at sina­sabing ‘pro­tektado’ ng ilang dating ma­taas na opisyal sa Maynila.

Nabatid na kamakailan lang ay natuklasan ng ilang media ang ‘kaduda-dudang’ pagpapalaya kina Koji Kawai, 49, at Hiroshi Ushida, 42, kapwa maintainer ng Jewel Japanese KTV na matatagpuan sa 3rd floor Car­fel Bldg no. 1786 A. Mabini st., Malate at kina Gemmalyn Pleopas, cashier­; Ligaya Baylosis, assistant­ manager at Lorena Yumul, club manager.

Ang dalawang hapon ay ‘release for further investigation’ sa kasong paglabag sa Qualified Trafficking in Person Act of 2003 (Section 6 RA 9208) habang may hila­way na release order ang mga staff ng nasa­bing bar.

Lumilitaw na sinalakay ng mga tauhan ng District Special Project Unit (DSPU) sa bisa ng search warrant na inisyu ni Manila Regional Trial Court Judge Amor Reyesang naturang bar kung saan naaktuhan ang mga ‘chatter’ na nasa kani-kanilang cubicle sa harap ng computer at webcam at may kurtina, upang magmis­tulang ‘bedroom’.

Kabilang sa nakumpiska ang 18 computer sets, 18 pira­song webcams, 18 headsets at mga hard disk na naglalaman umano ng ilang eksena ng kalaswaan para sa kanilang on-line clients­.

Ito ay nasamsam sa tatlong silid na may tig-anim na cubicles. Naisumite na sa National Bureau of Investigation (NBI) ang hard disks para sa pagsusuri.

Subalit, ipinagtaka ng hepe ng DSPU ang pagta­wag ng ilang ‘maimplu­wensiyang indibidwal ‘ kaya plano nilang maghain ng sup­plemental affidavit para palakasin ang kaso at sa­kaling maibasura ay ihahain umano ito sa Departmentof Justice (DOJ).

Kabilang umano sa mga ‘lumutang’ sa mga naaresto ay si dating 5th district councilor Erick Valbuena at isang Atty. Quintos ng 4th district. 

DEPARTMENTOF JUSTICE

DISTRICT SPECIAL PROJECT UNIT

ERICK VALBUENA

FUENTE

GEMMALYN PLEOPAS

LSQUO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with