^

Metro

Plastic bag tuluyang buburahin sa Maynila

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines –  Matapos na magpatupad ang mga shopping malls at supermarket sa paggamit ng plastic bag tuwing araw ng Miyerkules,  isang ordinansa naman ang isinulong sa Kon­seho ng Maynila  kung saan tuluyang ipinagbabawal sa mga residente ang pag­ga­mit, pagbebenta o paggawa ng  plastic bag sa lungsod.

Sa draft Ordinance  No. 7272 ni Manila 1st District Councilor  Numero Lim, ma­higpit ang pagbabawal sa sinu­man na gumamit ng mga mani­­nipis na  plastic bags na nagtataglay ng mas mababa pa sa  50 microns dahil ang mga ito ay hindi natutunaw at dahilan ng pagbabaha sa Maynila.

Ayon kay Lim, ang Tutu­ban ay isa sa establisimento na kilala sa paggamit ng mani­nipis na plastic bag na mula sa China. Hindi rin umano maika­ kaila na marami ang nagtu­tungo sa lugar upang mamili.

 Sinabi ni  Lim na karami­han sa mga  Pinoy ay walang disiplina sa pagtatapon ng plastic bag  at maging ng ka­nilang mga basura kung kaya’t mas makabubuting ipagbawal na lamang ang paggamit ng mga ito. 

Inirekomenda rin  ng ordi­nansa ang pagpapataw ng P4,000 sa sinumang  lalabag o pagkakakulong ng tatlong araw  o parehong parusa kung ang  lumabag ay ma­nager, president, chairman of the board of directors, o ma­naging partner ng  kompanya, com­pany, association, corpo­ration, o partnership.

AYON

DISTRICT COUNCILOR

INIREKOMENDA

MATAPOS

MAYNILA

MIYERKULES

NUMERO LIM

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with