Baby pa, itinapon sa basura

MANILA, Philippines –  Isang premature baby girl ang natagpuang nakatuwad sa loob ng basurahan sa com­fort room ng Park and Ride Inc., ang terminal ng provincial bus sa Ermita, Maynila, ini­ulat kahapon.

Ayon sa report, tinatayang nasa 8-buwan na ang nasa­bing sanggol na duguan at posibleng hindi pa nagtatagal nang iluwal.

Nabatid na si Berfelle Fernandez, 28, utility worker ng Park and Ride ang naka­tuklas sa bagong silang na sanggol sa basurahan sa ika­lawang CR.

Puno umano ng basura at balumbon na diyaryo ang ba­surahan at sa ilalim nito nakita ang sanggol. 

Show comments