^

Metro

Tour guide pinanindigan ang protesta sa mga pari

- Nila Ludy Bermudo at Doris Franche -

MANILA, Philippines - Kahit nakapiit sa Manila Police District-Station 5, mariin pa ring kinondena ng tour guide na si Carlos Cel­dran ang mga pari na mis­tulang mga ‘prayle’ umano ng nobela ni Dr. Jose Rizal sa Noli Me Tangere.

“Nakakatakot ang pre­cedent na ito, na they have the power to put people in prison like the time of Jose Rizal. If you protest against the church and the bishops, you get hauled to jail. It sends a very scary message to Filipinos when priests can put you in jail,”  ani Celdran.

Iginiit niya na karapatan lamang niya na iparating sa mga pari ang kaniyang men­sahe sa pakikialam ng Simba­hang Katoliko sa paggamit ng contraceptives nang iladlad ang placard na may nakasulat na “Damaso” habang nasa gitna ng pagmimisa.

Nilinaw niya na isa siyang Ka­toliko subalit nadidismaya siya sa posisyon ng Simba­han sa anti-women’s rights, anti-gay rights at anti-human rights  sa panghi­himasok sa reproductive health.

Umamin si Celdran na na­mu­­mudmod siya ng libreng contraceptives sa mahihirap na komunidad lalo na sa mag-asawa tulad ng  pills at con­dom at kung may budget umano siya ay inaalok din niya ang mga babae ng ligation.

 “Yes, I give away contra­cep­tives such as condoms and pills to informal settlers at the Intra­muros. I don’t force them to take it. I just give them a choice. Kung may budget, I even offer ligation,” aniya pa.

Nakalaya na rin si Celdran, ito ay matapos  na mag­piyansa P6,000 bunsod ng paglabag sa Article 133 ng Revised Penal Code.

CARLOS CEL

CELDRAN

DAMASO

DR. JOSE RIZAL

IGINIIT

JOSE RIZAL

KAHIT

MANILA POLICE DISTRICT-STATION

NOLI ME TANGERE

REVISED PENAL CODE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with