^

Metro

Nene na-gang rape ng 13 kaklase, nagpaayuda sa VACC

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Isa na namang kaso ng gang rape ang nangyari na kina­sa­sangkutan ng 15-anyos na da­lagitang biktima at 13 nitong kaklase ang idinulog sa tang­gapan ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) kahapon sa lungsod Quezon.

Ayon kay Rose Roque, chief coordinator ng VACC, lumapit sa kanilang tangga­pan ang bik­tima na itinago sa pangalang Marie, 4th year high school, ka­sama ang kanyang tatay upang humingi ng tulong para sa ma­bilis na pagkakalutas sa kaso at hindi ito mauwi sa pagkabale­wala.

Sinabi ni Rose, base sa pa­hayag ng biktima, nangyari ang insidente noong June 26, 2010 sa isang lugar sa Nova­liches ma­tapos na ayain umano ito ng kanyang mga kaklase sa isang party.

Subalit, ang sinasabing party ay gawa-gawa lamang anya ng mga suspect dahil pag­punta umano ng biktima sa lugar ay naabutan na lang nito na may mga alak kung saan siya puwersahang pina­inom.

Pinalalagay ng biktima na may inilagay sa kanyang inu­min dahil mabilis umano siyang nanghina at nahilo. Ang panghi­nina ng biktima ang naging daan para gawin umano ng mga kaklase nito ang pangha­halay, na ayon sa biktima, na bagama’t nanghi­hina na siya ay kitang-kita niya ang pangyayari.

Sinikap anya ng biktima na manlaban, ngunit dala ng pang­­hi­hina ay hindi niya na­gawa. Na­kiusap din anya ang biktima sa suspect, ngunit hindi rin siya pinakinggan ng mga ito.

Ang naturang insidente ay hindi kaagad nagawang ma­ipag­tapat ng biktima sa mga magulang sa takot na siya ay pagalitan, kaya naman sa kan­yang kaibigan na lang niya ito naipagtapat.

Pero dahil madalas na na­wa­wala sa sarili ang biktima, ipinayo ng kaibigan nito na sa­bi­­hin ang karanasan sa ka­nilang principal na siya na­mang naging daan para ma­laman ng kanyang mga magulang.

Ayon pa kay Rose, nag­hain na ng reklamo ang bik­tima sa National Bureau of In­vestigation (NBI) kung kaya under investi­ga­tion na ito, pero para magka­roon ng su­porta ang pamilya ay dumulog na ang mga ito sa ka­nilang tanggapan.

Sa ngayon, ang biktima ay nasa pangangalaga ng VACC para sa kaukulang dispo­sisyon.

AYON

BIKTIMA

ISA

NATIONAL BUREAU OF IN

PERO

ROSE ROQUE

SHY

VOLUNTEERS AGAINST CRIME AND CORRUPTION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with