Comelec kinalampag sa recount sa Maynila

MANILA, Philippines - Muling kinalampag kahapon ni dating Environment Secretary Lito Atienza ang  Commission on Elections (Comelec)  upang hilingin na simulan na ang manual recount ng mga boto sa Lungsod ng Maynila noong May 10 election.

Sa ikalawang urgent motion to start manual recount na inihain ni Atienza sa Comelec, hiniling nito na simulan na ang manu-manong bilangan sa mga boto sa Maynila at kinuwestyon kung bakit hindi pa sinisimulan ng Comelec ang recount ga­yung natapos na ang prelimi­nary conference sa inihain niyang election protest at naka­pagbayad na rin naman sila ng mahigit sa P10 milyong cash deposit. Iginiit sa mosyon na maha­laga na masimulan na ang re­count dahil nabatid nila na may mga balota ng nabasa habang nasa pangangalaga ito noon ng pamahalaang Lungsod ng Maynila.

Nangangamba si Atienza na kapag natagalan pa ang simula ng recount ay mabura na  ng tu­lu­yan ang mga nakasulat sa balota. Iginiit pa ni Atienza na dapat na umaksyon kaagad ang Comelec matapos na ihayag ng PPCRV na may­roong kaduda- dudang nabasa ang PCOS ma­chines sa mga balota para sa mayoralty race noong naka­ra­ang eleksyon.

Show comments