^

Metro

Dalaga timbog sa kaso ng 'babae sa maleta'

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Mismong ang dalagang pamangkin ang lumalabas na pumatay sa isang biyuda na isinilid pa sa maleta at itina­pon sa Caloocan City, kama­kailan.

Ito ang inihayag ni Sr. Supt. Jude Santos, hepe ng Caloocan Police makaraang madakip ang suspek na si Ruby Imperial, 23, pamang­kin at katulong ng biktimang si Neria Salapang, 29, biyuda at kapwa ng Good Harvest Subd., Camarin, ng lungsod.

Magugunita na alas-6:30 ng umaga noong September 25, 2010 nang matagpuan ang biktima na nakasilid sa malaking maleta na naaagnas na sa Road 38 Congress Village ng lungsod.

Sinabi pa umano noon ng suspek sa mga pulis na nag­punta umano sa Nueva Ecija ang biktima kung saan dala ang nasabing travelling bag.

Sa pagsisiyasat ng mga pulis ay nakakita ang mga ito ng bakas ng dugo sa unan ng biktima na naging dahilan upang maghinala na may kinalaman si Imperial sa pagpatay.

 Sinabi rin ng saksing si Ronald Benedicto, 31 na  alas-6:45 ng gabi ng Sep­tember 22, 2010 ay nakita nito si Imperial na dala ang na­sabing travelling bag sa tapat ng bahay ng una sa Merry Homes II Subd., Camarin.

Sa pahayag ng anak ng biktima na si Angel Dian Sa­lapang, 9 na noong Septem­ber 20, 2010 ng umaga ay nagising siya at hinahanap niya ang kanyang ina subalit sinabi ng suspek na umalis ito at nagpunta sa Nueva Ecija.

Sinabi rin ng bata na nang magising siya ng araw na iyon ay nilalabhan ng suspek ang bed sheet ng kanyang ina.

 Dahil dito, kahapon ng umaga ay dinakip ang suspek at sinampahan ng kasong murder.

ANGEL DIAN SA

CALOOCAN CITY

CALOOCAN POLICE

CONGRESS VILLAGE

GOOD HARVEST SUBD

JUDE SANTOS

MERRY HOMES

NUEVA ECIJA

SHY

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with