^

Metro

Kandila iniwasan, 2 rider patay

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Patay ang dalawang lalaki makaraang sumalpok sa poste ang sinasakyan nilang motor­siklo nang   iwasan ang nakatirik na kandila sa lugar na doon din may naging biktima ng hit and run sa Navotas City kama­kalawa ng gabi.

Dead-on-the-spot si Roscel Maghukot, habang dead-on- arrival sa Tondo Medical Center ang hindi pa nakikilalang ang­kas nito. Sa imbestigasyon ng pu­lisya, nabatid na alas-7:30 ng gabi, binabagtas ng mga bik­tima sakay ng Lucky Star (6795-NE) ang kahabaan ng Ho­norio Lopez Blvd., Brgy. San Ra­­fael, Navotas, kung saan iniwasan ni Mag­hukot ang nakatirik na kan­dila sa kalsada, sa pag-iwas ay na­walan ito ng kontrol hang­gang sa sumalpok sa isang poste.

Sa lakas ng pagkabangga ay tumilapon ang mga biktima na naging dahilan ng kanilang ka­matayan. Nabatid na isang hindi pa nakikilalang lalaki ang nag­tirik ng kandila matapos na may naunang nasawi na rin sa lugar na sinasabing biktima ng hit-and-run.

BRGY

LOPEZ BLVD

LUCKY STAR

NABATID

NAVOTAS

NAVOTAS CITY

ROSCEL MAGHUKOT

SAN RA

SHY

TONDO MEDICAL CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with