^

Metro

Pagbabawal sa pagkuha ng spot report, kinondena

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Kinondena ng mga ma­ ma­­ma­hayag na nakatalaga sa Progressive Tri-Media of Southern Metro (PTM-SM) ang lantarang paglabag sa malayang pamamahayag ng Southern Police District (SPD) bunsod na rin ng ka­utu­san sa pagbawal sa mga ito na ma­kakuha ng kopya ng “spot report” ng mga nangya­yaring krimen sa distrito.

Ayon kay PTM-SM president Ariel Fernandez, mali­naw na pagsikil sa “kalayaan sa pamamahayag” ang ipi­natu­tupad ni SPD director Chief Supt. Jose Arne Delos Santos na pagbabawal na agarang makakuha ng spot report ng mga naganap na krimen sa mga presinto ng nasasakupan nitong mga lungsod kabilang ang Makati, Taguig, Pasay, Parañaque, Las Piñas, Mun­tin­lupa, at bayan ng Pateros.

Maging ang District Tac­tical­ Operations Center (DTOC) ay hindi na rin nag­bibigay ng detalye at nagla­labas ng kopya ng journal na siyang pinagkukunan ng impormasyon sa nagaga­nap na mga insidente sa dis­trito kada araw.

Naniniwala naman ng PTM-SM na tila gustong salain ng pamunuan ng SPD ang mga balitang ilalabas o iyong mga “accomplishment” lamang habang itatago ang mga balitang makakasira sa kanilang imahe tulad ng mga insidente ng pangongotong, pagsalakay sa mga club na front ng prostitusyon at iligal na sugal na nauuwi sa areg­luhan.

Sinabi pa nito na ilalapit ng PTM-SM ang isyu sa National Press Club upang kondenahin ang sistemang ipinatutupad ng SPD.

vuukle comment

ARIEL FERNANDEZ

CHIEF SUPT

DISTRICT TAC

JOSE ARNE DELOS SANTOS

LAS PI

NATIONAL PRESS CLUB

OPERATIONS CENTER

PROGRESSIVE TRI-MEDIA OF SOUTHERN METRO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with