Sekyu ginilitan sa mall

MANILA, Philippines –  Isang 23-anyos na security guard ang iniulat na napaslang ma­tapos gilitan at abandonahin sa kilalang mall sa Maynila kama­kalawa ng gabi.

Nadiskubre ang bangkay ni Joseph Duque ng 3D Alert Security Agency ng Viraville Subdivision, Bacoor, Cavite, sa loob ng fire exit, sa ika-3 palapag ng Pedro Gil Wing, Robinson’s Place, Ermita, Maynila.

Sa police report, natagpuan ni Wilson Quiroz, 23, electrician at stay-in sa bar­racks ng construction site ng mis­mong mall, ang bangkay ng biktima ma­tapos na magtungo sa nasabing pala­pag upang kunin ang kanyang mga ka­gamitan sa trabaho dakong alas-11 ng gabi.

“Inaalam pa natin kung may na­ka­galit ang biktima sa mga construction worker na nagtatrabaho sa gusali o may nagnanakaw ng construction materials na nahuli ng biktima pero nanlaban sa kanya,” pa­­hayag ni P/Insp. Armand Ma­caraeg.

Sa pagsisiyasat, ginilitan ang bik­tima, may saksak din sa dibdib at naka­bigti pa ng belt na suot nito.

Nakatakda namang ipatawag ang lahat ng construction workers para sa interogasyon.

Show comments