Habambuhay sa 2 'tulak'

MANILA, Philippines - Habambuhay na pagkakulong ang ipinataw na parusa ng Para­ñaque Regional Trial Court sa dalawang lalaking tulak ng iligal na droga na nadakip tatlong taon na ang nakararaan. Sa siyam na pahinang desisyon ni Parañaque RTC Judge Danilo Suarez ng Branch 259, napatunayan na walang dudang nagka­sala sa kasong paglabag sa Section 5 Article II ng Republic Act 9165 o Dangerous Drug Act ang mga akusadong sina Benjie Qui­roba Aguillon at Roderick Tulang Flores matapos madakip sa aktong nagbebenta ng 0.04 gramo ng methamphetamine hydro­chloride na kilala bilang shabu. Bukod sa habambuhay na pagkabilanggo, inatasan din ng hukuman ang mga aku­sado na magbayad ng tig-P500,000 bawa’t isa bilang multa. Batay sa rekord ng korte, nadakip ng mga awtoridad, kabilang ang mga tauhan ng Taguig City police sina Aguilon at Flores sa Kobe St., KKK Subdivision matapos magbenta ng shabu na nag­ka­ka­halaga ng P1,000 sa pulis na nagpanggap na buyer.  

Show comments