^

Metro

ASG na 'tulak', arestado sa QC

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Isa umanong miyembro ng bandidong Abu Sayyaf na nag-shift sa pagbebenta ng droga sa Metro Manila ang natimbog ng mga operatiba ng Quezon City Police District Ant-Illegal Drugs Division-Special Operation Task Group (DAID-SOTG) sa isinaga­wang buy-bust operation sa kanyang lungga sa lungsod, iniulat kahapon.

Sa ulat na ipinadala kay QCPD director Chief Supt. Benjardi Mantele ni Senior Insp. Roberto Razon Jr., hepe ng DAID-SOTG, kinilala ang suspect na si Alton Ladjaalam, alyas Al, 33, may-asawa, tubong-Jolo, Sulu at residente sa Lanao St., Slam Mosque com­pound, Brgy. Culiat, Tandang Sora sa lungsod.

Sinasabing si Ladjaalam ay positibong kinilala ng isang testigo ng Philippine Air Force na kabilang sa bandidong grupong Abu Sayyaf na naka­base sa Sulu.

Nadakip ang suspect sa isinagawang buy-bust opera­tion ng tropa ng DAID sa mis­mong lungga nito ganap na alas-5:30 ng umaga.

Bago nito, isang impor­mante ang umano’y nagpunta sa tanggapan ni Razon at nag­ bunyag sa iligal na tran­sak­syon ng isang alyas Al na mi­yem­bro umano ng Abu Sayyaf at nagtatago sa kan­yang ka­tauhan bilang no­torious na drug pusher sa lugar. Dito ay nagsagawa ng sur­veillance ang tropa hanggang sa isa­gawa na nga ang buy-bust operation.

Ipinagharap na ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 ng dangerous drug law ang suspect.

ABU SAYYAF

ALTON LADJAALAM

BENJARDI MANTELE

CHIEF SUPT

DRUGS DIVISION-SPECIAL OPERATION TASK GROUP

LANAO ST.

METRO MANILA

PHILIPPINE AIR FORCE

REPUBLIC ACT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with