Karahasan sumiklab sa demolition

MANILA, Philippines - Umusbong ang sigalot sa pagitan ng mga demolition team at hanay ng mga nag-aalbu­rutong residente ma­tapos na manlaban ang mga huli sa ginawang paggiba sa kanilang mga tahanan sa Sitio San Roque sa Brgy. Pagasa lungsod Quezon kahapon.

Kaugnay nito, lumikha ng kilo-kilometrong pagbubuhol ng trapiko ang pagsasara ng Metro­politan Manila Develop­ment Authority (MMDA) sa EDSA North Avenue makara­ang sumiklab ang kaguluhan.

Umulan ng bote, botel­yang may lamang tubig, kahoy sa may North Triangle, Brgy. San Roque II matapos ihagis ang mga ito ng mga re­sidente sa tropa ng demolition team.

Dahil dito, limang miyem­bro ng pulisya ang sugatan ma­tapos na tamaan ng mga ba­tong pinaulan ng mga residente.

Naapektuhan din dahil sa kaguluhan ang mga motorista sa kahabaan ng EDSA mula Cubao hanggang SM North, matapos na magkabuhul-buhol ang trapik dito makara­ang su­mik­lab ang gulo ganap na alas-8:45 ng umaga.

Subalit, matapos ang halos isang oras na panla­laban na­gawa ring mapasok ng demo­lition team ang na­sabing lugar saka sinimulan ang paggiba sa mga tahanan dito.

Pasado alas-10 ng umaga ay isinara na ang isang linya ng kalsada sa EDSA malapit sa Tri­noma bunga na rin ng ka­guluhan kung saan panaka-nakang may lumilipad ng mga bato patungo sa demolition team, mula sa mga resi­dente.

Show comments