^

Metro

Madrasta kinasuhan sa panununog sa 2 anak-anakan

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Sinampahan ng kasong arson sa Las Piñas Prose­cutor’s Office ang madrasta ng isang 14-anyos na dalagita at kapatid nitong 12-anyos na lalaki na kapwa nasawi maka­raang sadyaing sunugin umano ng suspek ang kanilang bahay noong nakaraang Setyembre 14 sa naturang lungsod.             

Isinampa ng Bureau of Fire Protection-Las Piñas ang kasong arson sa korte kontra kay Mae Bagcat, dating nani­nirahan sa nasunog na bahay sa BF Resort Village, Brgy. Talon 2, ng naturang lungsod.             

Ayon kay Fire Marshall Chief Insp. Robert Pacis, na may mga ebidensya sila na si Bagcat ang sanhi ng pag­kasunog ng bahay na iki­nasawi ng magkapatid na Ameerah at Ibrahim Al Saad makaraang ituro ng isang gasoline boy na bumili ito ng isang latang gaso­lina at sinuportahan naman ng isang tricycle driver na sinak­yan ng suspek na may dala-dala itong gasolina.

Kinumpirma naman sa logbook ng naturang village ang pagpasok ng tricycle lulan si Bagcat isang oras bago ma­ganap ang sunog.

Nabatid na ikalawang asawa ni Nabil Al-Saad ang ama ng nasawing magkapatid, si Bagcat ngunit nagseselos umano ito sa magkakapatid dahil sa atensyon na ibinibigay ng asawa sa mga anak. 

Hinihinala na nais uma­nong masolo ni Bagcat ang asawa kaya nagawa ang kri­men. Sa kabila ng mga ebi­densya laban sa kanya, taha­sang itinatanggi pa rin ni Bag­cat ang akusasyon laban sa kanya.

BAGCAT

BUREAU OF FIRE PROTECTION-LAS PI

FIRE MARSHALL CHIEF INSP

IBRAHIM AL SAAD

LAS PI

MAE BAGCAT

NABIL AL-SAAD

RESORT VILLAGE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with