^

Metro

Lim naiyak sa IIRC report

- Nina Doris Franche at Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Emosyonal na humarap sa media kahapon si Manila Mayor Alfredo S. Lim nang hingan ng re­aksiyon hinggil sa naging rekomendasyon ng Incident Investigation and Review Com­mittee (IIRC) na makasuhan ang mga miyembro ng Manila Police District-Special Weapons and Tactics (SWAT) na kabilang sa assault team sa naganap na hostage incident na ikinasawi ng walong HongKong nationals at ng hostage-taker na si Senior Insp. Rolando Mendoza noong Agosto 23.

Lumuluhang sinabi ni Lim na: “Pulis lang ang nagpapaka­matay , pulis lang and yet…sige kung walang pulis na magre­responde dito ngayon kung sakaling ma-hostage kayong lahat dito,anong mangyayari. Ang pulis  paglabas pa lang sa bahay ang isang paa nasa hukay na.”

Sinabi ng alkalde na kung sa palagay ng IIRC ay may ka­sala­nan talaga siya sa nangyari ay nakahanda siyang tanggapin ang demanda subalit hindi umano dapat na kasuhan pa si Moreno dahil ginawa nito ang lahat ng paraan upang maisalba ang mga hostages at mismong ang hostage-taker.

Tahasang sinabi ng alkalde na wala siyang hurisdiksiyon sa police operation dahil sa logistic lang ang hawak nila kaya hindi na niya pinanghimasukan ang trabaho ng mga pulis, na buo naman ang tiwala niya sa kakayahan. Hindi naman sang-ayon si Lim dahil hindi pinaka­kasuhan si SPO2 Gregorio Mendoza, kapatid ng hostage-taker, dahil ito ang nagpagulo ng siwasyon kaya nauwi sa palpak ang insidente.

AGOSTO

EMOSYONAL

GREGORIO MENDOZA

INCIDENT INVESTIGATION AND REVIEW COM

LUMULUHANG

MANILA MAYOR ALFREDO S

MANILA POLICE DISTRICT-SPECIAL WEAPONS AND TACTICS

ROLANDO MENDOZA

SENIOR INSP

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with