^

Metro

2 arestado sa 1,400 kilo ng 'botcha'

- Ricky Tulipat at Angie­ dela Cruz -

MANILA, Philippines - Matapos ang ilang ulit na pagsalakay sa mga nagbe­benta ng botcha, sa unang pagkakataon ay nadakip ng mga tropa ng Quezon City Police at City Health Depart­ment ang dalawa katao na pina­niniwalaang responsable sa pagbebenta nito sa Balin­tawak sa lungsod kahapon.

Kasabay nito ang pagka­ka­samsam sa may 1, 400 kilo ng double dead na karne sa isinaga­wang pagsalakay.

“Big Fish!” Ito ang turing ni Dr. Ana Marie Cabel ng Ve­terinary Office ng city health department sa mga naares­tong sina Rose Garcia, 30, dalaga, ng Gui­guinto, Bulacan at Raymund Roxas 26, ng F. Santos St. Wawa, Balagtas, Bulacan dahil sa paniwalang sila ang ugat kaya hindi mahinto ang bentahan ng botcha o double dead meat sa nasabing palengke.

Ayon kay Cabel, matagal na nilang tinutugis ang pi­nang­gagalingan ng nasabing mga karne sa bawat operas­yon na kanilang ginagawa, dahil sa madalas na pawang mga vendors lamang ang ka­nilang nakukuha.

Kaya naman, dagdag ni Cabel, sa pagkaka-aresto sa dalawa ay naniniwala silang pansamantalang mapipigilan ang pagpapakalat nito.

Sinasabi naman ni QCPD director Chief Supt. Benjardi Mantele, naging madalas ang operasyon ng kanilang tropa dahil sa sumbong na rin ng mga concerned citizen na nakabili ng nasabing karne.

Dagdag ng heneral, naging bagsakan ng mga suspect ng kanilang iligal na paninda ang Balintawak dahil malapit lamang anya ito sa mga probinsya na galing sa Norte, tulad ng Bulacan.

Sa pagsisiyasat, may kabuuang 1,400 kilos ng kar­neng botcha ang nasamsam ganap na alas-2:30 ng madaling-araw.

BENJARDI MANTELE

BIG FISH

BULACAN

CABEL

CHIEF SUPT

CITY HEALTH DEPART

DR. ANA MARIE CABEL

QUEZON CITY POLICE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with