MANILA, Philippines - Dinakip ng mga tauhan ng Manila Police District-(MPD) ang isang mag-ama matapos pagtulungang saksakin ang isang barangay tanod sa San Andres Bukid, Maynila, kamakalawa ng hapon. Nakapiit sa MPD-Station 6 (Sta Ana) ang mga suspek na sina Gerardo Bautista Sr. at anak nitong si Gerardo Jr, kapwa residente ng Agua Marina St., San Andres Bukid. Kasalukuyan pang ginagamot sa Ospital ng Maynila ang biktimang si Rolando Monte, 34, barangay tanod . Dakong alas-4:15 ng hapon nang nakitang nagtatalo ang biktima at si Gerardo Sr. Habang nasa tabi umano ang anak na si Gerado Jr. Ang pagtatalo ay nauwi upang pagtulungang saksakin ng mag-ama ang tanod. Agad namang nadakip ang mag-ama matapos ang isinagawang pananaksak.