Papel na lisensya, inayawan ng Piston
MANILA, Philippines - Ikinagalak ng Pagkakaisang Samahan ng Tsuper (Piston) ang pagpapahinto ng Department of Transportation and Communication ang suspensiyon sa bidding para sa 500 milyon na Driver’s License contract dahil na rin umano sa mga kadudadudang mga probisyon nito.
Ayon kay George San Mateo, Secretary General ng Piston, kadudaduda ang pagbalik ng lisensiyang papel mula sa plastic card dahil sa kuwestionableng kalidad nito. Dapat ding siguraduhing maayos ang pagpapa bid ng proyektong ito at siguraduhin din na mas maganda ang kalidad ng lisensiyang papalit sa kasalukuyang lisensya.
Maalalang maraming report na nabubura at di kalidad ang kasalukuyang lisensiya na ginagawa ng kasalukuyang supplier ng LTO na Amalgamated Motors Incorprated o AMPI.
Ani, San Mateo, wala naman umanong problema sa kanila kung sino ang mananalong bidder basta matiyak lamang na malinis ang bidding process at walang pinapaborang grupo bukod pa sa maganda ang kalidad ng ipapalit na lisensiya.
Pinahinto ang bidding para sa proyekto dahilan sa reklamo ng ilang mga bidder na luto diumano ang bidding para sa isang consortium ng mga supplier mula sa Japan, at ang kanilang local partner na Amalgamated Motors Inc, ang kasalukuyang supplier ng LTO Driver’s License.
Matatandaan na pinahinto ng DOTC ang bidding para sa Driver’s License at pinapaaral muna nito ng mabuti ang terms of reference para masigurado na patas ang mga probisyon nito.
- Latest
- Trending