Kelot utas sa boga

MANILA, Philippines - Patay ang isang 41 anyos na lalaki nang barilin sa dibdib ng dalawang di pa kilalang mga suspect, sa Tondo, Maynila, kahapon ng mada­ling-araw.

Dead-on-the-spot ang biktimang si Jun Maneja Jr., alyas “Bangkusay”, tubong Nueva Ecija at walang per­mamenteng tirahan, dahil sa tatlong bala na bumaon sa dibdib habang agad namang tumakas ang suspect.

Sa ulat ni Det. Edmundo Cabal ng Manila Police District­-Homicide Section, dakong alas-4:45 ng mada­ling-araw nang maganap ang pa­mamaril sa harapan ng Pinoy Lodge sa Plaza Mo­riones, Moriones St., Tondo.

Ayon sa pedicab driver na si Ranny Dorla, 48, dala­wang lalaki ang nagtanong sa kanya kung saan mata­tagpuan si alyas “Bang­kusay” hanggang sa mala­man niyang patay na ang bik­tima.

Posibleng may ma­laking atraso ang biktima na nires­bakan lamang, baga­mat patuloy pang inaalam ang motibo sa pamamaslang.

Show comments