Kelot utas sa boga
MANILA, Philippines - Patay ang isang 41 anyos na lalaki nang barilin sa dibdib ng dalawang di pa kilalang mga suspect, sa Tondo, Maynila, kahapon ng madaling-araw.
Dead-on-the-spot ang biktimang si Jun Maneja Jr., alyas “Bangkusay”, tubong Nueva Ecija at walang permamenteng tirahan, dahil sa tatlong bala na bumaon sa dibdib habang agad namang tumakas ang suspect.
Sa ulat ni Det. Edmundo Cabal ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-4:45 ng madaling-araw nang maganap ang pamamaril sa harapan ng Pinoy Lodge sa Plaza Moriones, Moriones St., Tondo.
Ayon sa pedicab driver na si Ranny Dorla, 48, dalawang lalaki ang nagtanong sa kanya kung saan matatagpuan si alyas “Bangkusay” hanggang sa malaman niyang patay na ang biktima.
Posibleng may malaking atraso ang biktima na niresbakan lamang, bagamat patuloy pang inaalam ang motibo sa pamamaslang.
- Latest
- Trending