^

Metro

Pasugalan sa QC talamak

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Tila hinahamon ng mga operators ng iligal na sugal ang bangis ng pamumuno ni Quezon City Mayor Herbert Bautista at QC Police District director Chief Supt. Benjardi Mantele dahil sa kabila ng banta nitong lansagin ang umiiral na iligal na sugal ay namamayagpag pa rin ito sa kanilang nasasakupan.

Ayon sa source, moro-morong operas­yon lang umano ang ipinapatupad ng pulisya sa nasabing pasugalan, dahil sa kabila ng utos ng alkalde ay patuloy ang kanilang iligal na operasyon, partikular ang video karera.

Sa ngayon ay patuloy pa ring nag-ooperate ang video karera sa Bgy. Nova­liches, Gulod, Bagbag, Sauyo, at San Barto­lome na hawak umano ng isang alyas Lando, alyas Bingi at alyas Boyet B.

Bukod dito ang Bgy. Nova Proper ay hawak umano ng isang alyas Art at may puwesto din sa N-Mart malapit sa istasyon ng Police Station 4, Glori terminal, at Austria St. sa Bgy. Sta. Monica, Bgy. San Agustin at Bgy. Capri na hawak ng isang Alyas Teddy S. Sa Batasan Hills naman ay hawak ng isang Lando habang ang Bgy. Holy Spirit at Bgy. Commonwealth ay hawak ng alyas Undo.

Habang ang color games naman ang namamayapag sa may Cubao, at Batasan.

Pangunahing nagiging parukyano ng nasabing mga pasugalan ang mga estud­yante na dapat sana ay nag-aaral, at mang­gagawa na sa halip na iuwi na lang sa ka­nilang pamilya ang kanilang pera ay isinu­sugal pa bunga na rin ng mapanghikayat na operasyon nito.

ALYAS TEDDY S

AUSTRIA ST.

BENJARDI MANTELE

BGY

BOYET B

CHIEF SUPT

HOLY SPIRIT

LANDO

NOVA PROPER

POLICE DISTRICT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with