Dahil sa mataas na bill ng Meralco: Shabu lab sa QC nabuko

MANILA, Philippines - Dahil sa kahina-hina­lang sobrang taas na bill sa kuryente, isang 3-pa­lapag na gusali sa Que­zon City ang sinalakay ng mga awtoridad na rito nga nadiskubreng isang shabu laboratory.

Pinasok ng pinag­sanib na puwersa ng Phi­lippine Drug Enforce­ment Agency (PDEA) at Que­ zon City Police ka­ma­kalawa ng hapon ang isang gusali sa Lot 1 Block 19 sa Bagbag Village sa lungsod dahil na rin sa tip mula sa may-ari ng gusali na isang Cesar Viray.

Reklamo ni Viray, inu­pahan sa kanya ng isang Santos Wong ang gusali sa halagang P70,000 kada buwan mula noong Agosto 1 pero laking gulat niya kung bakit umabot sa P80,000 ang bill nito sa kuryente dahilan para mag-usisa rito.

Ani Viray, nasorpresa siya nang makakita ng kuwestiyonableng mga paraphernalia sa kan­yang gusali dahilan para ipagbigay-alam ito sa mga awtoridad kundi mga gamit lamang sa paggawa ng shabu ang nasamsam dito. Wala na­mang naarestong suspek sa loob ng gusali nang isa­gawa ang raid sa na­turang building.

Show comments