^

Metro

4 tiklo sa bigong pagtutumba sa pulis-Maynila

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Nadakip ng mga tauhan ng MPD-District Special Project Unit  ang apat katao na sangkot sa bigong pagpatay sa isang pulis-Maynila. Kinilala ang mga suspect na sina Perla dela Cruz, 69, Jean dela Cruz Cortez alyas “Jake”, 24 ‘mastermind’, Ricardo Tubong­bangua Jr., alyas “Spoiled, 25, ‘hitman’,at Jacqueline de Vera, 19. Sila ay inireklamo ng attempted murder ni PO3 Manuel Pimentel, alyas “Batotoy” Special Action Force (SAF) Batch 91 at kasalukuyang nakatalaga sa MPD.

Narekober ang isang kalibre 38 baril  mula kay alyas Spoiled at ang naka-print na litrato ni Pimentel sa isang coupon bond at sa likod ay may sulat-kamay ng mastermind na nagsasaad ng plate number, kulay at deskripsiyon at drawing ng sasakyang pag-aari ni Pimentel. Hindi na naging respondents sa kaso sina Justine Lopez alyas “Tirik”, 18 at Ramir Erespe, 25 alyas “Oxo”, kapwa ng Hermosa, Tondo, Maynila  matapos umamin na tumanggap sila ng initial na bayad sa apat. Sa halip, naging complainant at testigo sina Lopez at Erespe nang magpasaklolo kay Pimentel at sa DSPU hinggil sa pamamaril sa kanila ng suspect na si Tubongbangua, na inupa­han umano ni Cortez na patayin sila dahil sa hindi pa naitutumba si Pimentel hanggang Set. 14.

Nabatid din kina Erespe at Lopez na si De Vera umano ang kasama ni Cortez  upang kumbinsihin sila na patayin si Pimentel  at nagpadownload pa umano si Cortez kay De Vera ng litrato ni Pimentel upang matumbok ang mukha ng itutumba. Dahil sa hindi napatay si Pimentel, si JR Spoiled naman ang inupahan ni Cortez at magkakapatid na dela Cruz, kapwa tiyuhin at tiyahin ni  Cortez ang magkakasabwat umano sa plano at itinuro din ang lola (Perla) na minsang nag-abot pa ng dagdag na P2-libo at nagsalita na siguruhin lang na mapapatay si Pimentel para makakuha pa ng dagdag na pera. Nais ipatumba ang parak maka­raang dalawang beses na pagsabihan nito na huwag sa Tambun­ting ‘maglalarga’  ng shabu ang isa pang suspect na si Luis dela Cruz, tiyuhin ni Cortez.

vuukle comment

CORTEZ

CRUZ

CRUZ CORTEZ

DE VERA

DISTRICT SPECIAL PROJECT UNIT

ERESPE

JUSTINE LOPEZ

LOPEZ

PIMENTEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with