May kapansanan pwedeng ma exempt sa number coding

MANILA, Philippines - Handang bigyan ng ek­sem­psyon sa Unified Vehi­cular Volume Reduction Pro­gram o “number coding” ng Metropo­ litan Manila Develop­ment Authority (MMDA) ang mga taong may kapansanan bilang tugon sa kahilingan ng Na­tional Council on Disability Affairs (NCDA).           

Ipinaliwanag ni Chairman Francis Tolentino na ito’y bilang pagtugon rin nila sa ginawang ratipikasyon ng Pilipinas sa inilatag na mga karapatan ng mga taong may kapansanan ng United Na­tions Convention noong Abril 15, 2008.           

Kasama sa mga karapa­tang ito ang pagtiyak na ma­ka­ka­tungo sa iba’t ibang lugar na nais nilang puntahan ang mga taong may kapansanan na hindi hina­hadlangan ng pamahalaan.           

Bukod dito, nakasaad rin ang pagtiyak sa karapatan ng mga may kapansanan sa edu­kasyon, kalusugan, pa­ma­ya­nan, rehabi­listasyon, at pag­lahok sa pulitika na wa­lang deskriminasyon.

Upang makakuha ng exempt­ion sa UVVRP ang mga taong may kapansanan, kina­kailangan lamang na lumiham sa ka­nilang tangga­pan ang mga ito na may ka­lakip na official receipt at car re­gistration na kanilang pag-aari o pag-aari ng kanilang ma­gulang o guardian at, medical certifi­cate na mag­papatunay na sila ay may ka­pansanan. 

Show comments