Kompanya nagpupuslit ng langis kinasuhan ng BOC

MANILA, Philippines - Sinampahan ng kasong smuggling ng Bureau of Customs (BOC) sa Depart­ment of Justice (DOJ) ang isang kom­panyang nag-iimport ng langis na hindi nagbabayad ng tina­tayang 700 milyong pisong buwis.

Kabilang sa mga kinasu­han sina Paul Chi Ting Co, chairman at may-ari ng Oil Link Inter­national Corp. na matatagpuan sa 2701 West Tower, Philippine Stock Ex­change (PSE) Center, Ortigas Center Pasig City.

Kakasuhan din ang Pre­sidente ng kompanya na si Esther Magleo at ang import and finance manager nito na si Janice Co Reyes.

Base sa nakalap na doku­mento ng BOC, nag-angkat ang kompanya ng 35 milyong litro ng diesel fuel mula sa Korea noong 2004 katumbas ng 220 libong Bariles o 29 na libong metriko tonelada.

Subalit lumilitaw na 23 libong metriko tonelada o 177 libong bariles lamang ang idineklara ng oil link gamit ang palsipikadong dokumento.

Sinabi naman ni Customs Commissioner Angelito Al­vares na maituturing na major break­through ang pagsa­sampa ng kaso sa mga na­banggit dahil ito ang kauna-unahang pagkaka­taon na nahubaran ng BOC ang modus operandi na isang pa­raan ng pandaraya na uma­no’y maaring isinasagawa ng ilang mandarayang oil in­dustry players.

Show comments