^

Metro

Ama, 3 anak natusta sa sunog

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Halos hindi na makilala ang katauhan ng apat na mag-aama makaraang ma­tusta nang buhay sa nasunog nilang bahay sa lungsod Quezon kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ni F/Insp.Arvin Santos hepe ng Quezon City Masambong Fire Station, ang mga nasawi na sina Leo Tatac, 36 at mga anak na sina Jeremy, 14, Darryl, 8; at Ge­rald, 7, pawang residente sa 35 kanto ng Kundiman St., Matimyas St., Brgy. Paltok sa lungsod.

Ayon kay Fire Officer 2 Fortunato Alde, magkayakap pa ang bangkay ng mag-aamang Leo, Jeremy, at Darryl nang kanilang matag­puan sa ika­lawang palapag ng bahay, habang ang ka­tawan naman ni Gerald ay natuklasan naman sa ground floor nito na nata­tabunan ng mga nasunog na kahoy.

Sinabi ni Alde, dahil sunog na sunog ang buong kabaha­yan, hindi nila napuna ang katawan ni Gerald kung hindi pa nila ito natapakan habang nagsasagawa ng clearing operations.

Bukod dito, malubhang na­sugatan din ang asawa ni Leo na si Gilda, matapos na tumalon mula sa ikalawang palapag ng kanilang bahay paibaba kasama ang isa pang sugatan na si Angelo Ticzon, kapitbahay ng mga biktima.

“Sabi ng mga residente, umaapoy pa ang katawan ni Gilda nang tumalon sa 2nd floor kaya bukod sa nasunog ang balat baka napinsala rin ang mga buto nito,” sabi pa ni Alde.

Sa pagsisiyasat, nagsi­mula ang sunog dakong alas-12:25 ng madaling-araw sa ground floor na nasa kaliwang bahagi ng bahay ng mga biktima.

Dahil pawang yari lamang sa light materials ang bahay, mabilis na kumalat ang apoy at nilamon ang buong ka­bahayan.

Kasalukuyan namang na­tu­tulog sa kanilang kuwarto sa ikalawang palapag ang pa­milya Tatac kung kaya wala nang nagawa ang mga ito nang ma-trap sa loob.

“Wala kasing exit ang bahay, kaya nakulong silang apat sa kuwarto, si Gerald kaya napa­hiwalay, posibleng nahulog na lang paibaba nang masunog ’yung sahig,” ayon pa kay Alde.

Umabot lamang sa ikala­wang alarma ang sunog na naapula naman agad ng ru­mespondeng bumbero ganap na ala-1 ng madaling-araw, kung saan tumambad sa kanila ang kalunus-lunos na kala­gayan ng mga biktima.

Ayon kay Alde, wala pa silang tiyak na dahilan ng sunog, pero isa sa kanilang tini­tingnang sanhi nito ay ang napabayaang kandila na base sa mga kapitbahay ay ma­aaring ginamit ng pamilya matapos na sila ay mawalan ng suplay ng kuryente.

ANGELO TICZON

ARVIN SANTOS

AYON

DARRYL

FIRE OFFICER

FORTUNATO ALDE

GILDA

KUNDIMAN ST.

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with