MANILA, Philippines - Isang estudyante na hindi na naman gumamit sa tamang daaan o overpass ang nasawi makaraang mabundol ng isang pampasaherong bus habang papatawid sa Commonwealth Avenue sa lungsod Quezon, ayon sa pulisya kahapon.
Kinilala ng pulisya base sa nakuhang identification card, ang biktima na si Danica Magno, 19, dalaga, estudyante ng University of Rizal System at nakatira sa Riverside St., Brgy. Commonwealth, sa lungsod.
Dead-on-the-spot sa lugar si Magno matapos na magtamo ito ng matin ding pinsala sa kanyang katawan.
Hawak naman ng PS5 ang driver ng nakabanggang bus na si Fortunato Gilaton, 39, driver at residente ng Brgy. Kaligayahan, Novaliches.
Nangyari ang insidente ganap na alas-10 ng gabi. Sinasabing tinatahak ng Joyselle bus (TWB-184) ang naturang lugar nang biglang tumawid ang biktima di-kalayuan sa overpass at nasapol ito.
Sa lakas ng impact, tumilapon ang biktima sa kalsada, habang ang bus ay tinangka pang tumakas, ngunit agad namang nahabol ito ng mga operatiba ang inaresto ang nasabing driver.