^

Metro

Esquivel sinibak na sa MMDA

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Matapos ang sunud-sunod na kontrobersyang kinasangkutan, tuluyan nang sinibak ni MMDA Chair­man Francis Tolen­tino ang kinuha niyang traffic consultant na si Roberto Esquivel.           

Ito ang laman ng me­mo­randum na pinirmahan ni Tolentino makaraan ang pakikipagbangayan ni Esquivel kay Ret. Col. Eduardo Bayangos na nakatalaga rin sa Traffic Enforcement Office na muntik na umanong hu­man­tong sa barilan.

Pi­na­tawan rin naman ni Tolen­tino ng 15-araw na suspensyon si Bayangos na ibinase sa resulta ng imbestigasyon ni Atty. Rochelle Macapili, hepe ng Legal Division ng MMDA.           

Nagsasagawa rin naman ngayon ng imbesti­gas­yon ang Legal Division ukol sa napaulat na pagpa­palabas sa nahuling 15-kolorum na bus na ini-impound sa MMDA im­pound­ing area matapos na makapaghatag umano ng lagay ang mga operators nito.           

Nabatid naman na una na ring nakabangga ni Es­quivel ang isa pang con­sultant ng ahensya na si ret. Gen. Danilo Gaoiran kung saan narinig pa ang kanilang bangayan sa “two-way radio” na narinig sa MMDA Metro Base at lahat ng enforcers na may hawak na radyo.  

DANILO GAOIRAN

EDUARDO BAYANGOS

FRANCIS TOLEN

LEGAL DIVISION

METRO BASE

ROBERTO ESQUIVEL

ROCHELLE MACAPILI

SHY

TRAFFIC ENFORCEMENT OFFICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with