Contractor hulog sa gusali, lasog

MANILA, Philippines - Nalasog ang katawan ng isang contractor ma­karaang mahulog   mula sa may 50 hanggang 40 ta­lampakang taas ng gina­gawang gusali sa lungsod Quezon, ayon sa pulisya kahapon.

Dead-on-arrival sa os­pital ang biktimang si Al­fredo Mesa, 63, ng San Jose del Monte Bulacan.

Naganap ang aksi­dente dakong alas-2:30 ng hapon sa may Universal Steel and Smelting Corpo­ration, Company Incorpo­rated sa may 28 Quirino Highway Balumbato sa lungsod. Kasalukuyang nasa tuktok ng naturang gusali ang biktima at nagla­lagay umano ng bakal nang mawalan ito ng ba­lanse at mahulog.

Dahil sa taas ng pi­nang­galingan ng biktima, ay grabeng napinsala ang kanyang katawan. Na­gawa pa itong itakbo sa Manila Central University Hospital, ngunit binawian din ito ng buhay.

Patuloy ang pagsisiya­sat ng CIDU sa nasabing insidente.

Show comments