^

Metro

3 fetus natagpuan sa Maynila at Malabon

- Nina Ludy Bermudo at Lordeth Bonilla -

MANILA, Philippines - Matapos matagpuan ang isang babae at isang lalaking kapwa bagong silang na sanggol na nakasilid sa trash bag, ang isa ay sa CR ng erop­lano at ang isa naman ay mismong sa basurahan sa Sta. Cruz, tatlong fetus naman ang natagpuan sa Maynila at sa Malabon kama­kalawa.

Sa Maynila, dalawang fetus ang kapwa iniwan sa magkahiwalay na simba­han.

Ayon sa ulat ni PO3 Jay Santos ng MPD, da­kong alas-5 ng hapon nang matuklasan ng isang magsisimba ang isang kulay green na plastic bag na naglala­man ng tinata­yang 5 hang­gang 6 na buwan na lalaking fetus   sa loob ng Manila Cathed­ral church sa Intramuros, Maynila.

Bandang alas-6:45 naman nang madiskubre din sa bungad ng Minor Basilica de Nazareno o Quiapo church, sa Sta. Cruz, Maynila ang tinata­yang 5 hanggang 6 na buwan na lalaki ring fetus na nakasilid sa isang itim na trash bag.

Kahapon naman na­ku­hang nakalutang sa baha ang isang babaeng fetus na nakasilid sa sako sa Malabon City.      

Tinatayang nasa anim na buwan ang babaeng fetus na dinala na sa Nate Funeral Homes.

Dakong alas-8:30 ng umaga nang makita ang fetus na nakalutang sa baha sa harap ng Eskro Trucking sa kahabaan Pam­pano st., Brgy. Lo­ngos ng nabanggit na siyudad.

Matatandaang noong Linggo ng hapon nang ma­tagpuan ang isang bagong silang na lalaking sanggol na nakasilid sa trash bag at iniwan sa com­fort room ng kala­lapag pa lamang na Gulf Airlines sa NAIA.

Kinabukasan, Lunes naman ng tanghali nang ma­diskubre naman ng isang tricycle driver ang isang babaeng bagong silang din na sanggol. Du­guan na nakabalot sa isang kulay pulang plastic bag na itinapon sa basurahan.

CRUZ

ESKRO TRUCKING

FETUS

GULF AIRLINES

ISANG

JAY SANTOS

MALABON CITY

MAYNILA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with