Mandaluyong police sasailalim sa 'hasa-memorya'
MANILA, Philippines - Isasailalim sa matinding seminar para mapatalas ang memorya ng mga tauhan ng Mandaluyong police na inaasahang magagamit para masugpo ang krimen at makabisado ang hitsura ng mga pinaghahanap na kriminal.
Inaasahan na isasagawa ang pagsasanay sa mga pulis ngayong darating na Sabado na pangungunahan nina UK Open International Memory Championship silver medalist Johann Randall Abrina at Binary Memory World Record holder Robert Racasa.
Sinabi ni Mayor Benhur Abalos na importante na mapatalas ang memorya ng mga pulis na magagamit sa pagsugpo ng krimen. Kung matatandaan umano ng mga pulis ang hitsura ng mga wanted na kriminal ay madaling madadakip ang mga ito kung mamamataan sa kalsada o anumang pampublikong lugar.
“Imagine kung magiging napakatalas ng memorya ng mga pulis, walang makalulusot na mga kriminal sa kanila at magiging maayos rin ang pagresolba sa mga kaso,” ayon kay Abalos.
- Latest
- Trending