^

Metro

Traffic enforcer tinodas ng utol

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Dead-on-arrival sa paga­mutan ang isang 53-anyos na traffic enforcer makaraang ba­rilin ng nakababatang kapatid dahil lamang sa away-pamilya sa Tondo, Maynila, kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ang biktimang si Ricardo Castillo, miyembro ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) at residente ng Pilapil St., Tondo.

Tinutugis na ng pulisya ang suspect na utol na si Rolando Castillo, 45, kapatid ng biktima at residente rin ng lugar.

Sa ulat ni PO1 James Lagasca ng Manila Police District-Homicide Section, dakong ala-1:30 ng madaling araw nang tawagin ang na­sawi   ng anak niyang babae upang awatin ang pag-aaway ng anak na si Jerick at ng suspect.

Lasing umano ang sus­pect nang dumating bago nito nakasagutan ang anak ng biktima subalit naawat ito ng biktima sa labas ng bahay.

Nang pumasok na sa loob ng bahay ang biktima ay nag­sisigaw sa labas ang suspect at hinaha­mon ng suntukan ang kan­yang kuya.

Dahil ayaw patulan, nag-init ang ulo ng lasing na sus­pect at pumasok sa bahay at saka nagpaulan ng bala ng baril na ikinatama ng biktima sa likod. Nagdapaan umano ang iba pang miyembro ng pamilya nang makarinig ng alingawngaw ng mga putok ng baril.

Sa record ng Manila City Hall personell’s office, naka­talaga ang biktima sa Sector 5 at may dalawang taon na itong naninilbihang traffic enforcer.

BIKTIMA

DAHIL

JAMES LAGASCA

MANILA CITY HALL

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MANILA TRAFFIC AND PARKING BUREAU

PILAPIL ST.

RICARDO CASTILLO

ROLANDO CASTILLO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with