Nanita na mister, utas sa dos-por-dos
MANILA, Philippines - Patay ang isang mister nang paghahatawin ito ng dos-por-dos sa ulo at lalamunan ng isang lalaking sinita nito na nangingikil sa mga dumaraang jeep sa Calocan City kamakalawa. Nakilala ang nasawi na si Jose Cilitaria, 40, ng Phase 4, Bagong Silang ng lungsod na ito. Arestado naman ang suspek na si Oscar Castillote, 37, at ka-lugar ng biktima. Naganap ang insidente dakong alas-5 ng hapon malapit sa bahay ng biktima nang makita ng nasawi ang ginagawang pangingikil ng suspect sa mga dumaraang jeep sa kanilang lugar kaya sinita niya ito.Nagalit naman ang suspect kung saan kumuha ito ng dos-por-dos at saka hinataw sa ulo ng biktima na naging dahilan ng kamatayan nito.
- Latest
- Trending