^

Metro

Sangay ng LBC hinoldap, 2 staff pinaghubad

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Isang babae at isang lalaking empleyado ng isang sangay ng LBC cargo forwarder ang pinaghubad ng pantalon at ikinulong sa banyo ng dalawang hindi pa kilalang mga kawatan na nanloob sa naturang tanggapan sa Tondo, Maynila.

Batay sa ulat, dakong alas-2 ng hapon ng maganap ang insidente sa LBC delivery branch sa Hermosa panulukan ng J. Abad Santos St,., Tondo.

Sa salaysay nina Jennifer Raymundo at Joseph Papa, kapwa empleyado ng nasabing forwarder, hindi nila namalayan na ang dalawang lalaking inakala nilang kostumer ay magsasagawa sa kanila ng panghoholdap. 

Nagulat sila ng maglabas ng baril ang dalawang suspect at nagdeklara ng holdap. Habang nakatutok ang baril ay inutusan umano sila na magtungo sa comfort room at ipinahubad sa kanila ang kanilang pantalon at kinuha ito ng mga suspect bago ini-lock ang banyo.

Sa isinagawang imbentaryo, natuklasan na natangay ang kinita ng LBC na P10,917.20, ang cellphone ni Raymundo na nagkaka­halaga ng P4,000 at wallet ni Papa. Natuklasan nilang ang dalawang pantalon ng empleyado ay iniwan lamang sa labas ng banyo, na hinihinalang ginawa lamang na paghubarin upang hindi makahabol o makapag-report sa mga awtoridad.

vuukle comment

ABAD SANTOS ST

BATAY

HABANG

HERMOSA

ISANG

JENNIFER RAYMUNDO

JOSEPH PAPA

MAYNILA

NAGULAT

NATUKLASAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with