^

Metro

Barangay official todas sa riding-in-tandem

- Nila Ricky Tulipat at Roed Tangca -

MANILA, Philippines - Isang opisyales ng barangay ang nasawi makaraang pagba­barilin ng riding-in-tandem suspect sa lungsod Quezon kahapon ng umaga.

Apat na tama ng bala, ang tumapos sa buhay ng biktimang si Gil Corpuz, 50, area monitoring officer ng Brgy. Commonwealth at residente sa Kasunduan St., sa lungsod. Mabilis namang tuma­kas ang mga suspect sakay ng isang Yamaha motorcycle na walang plaka.

Sa inisyal na ulat ng pulisya, nangyari ang insidente sa may ka­­habaan ng Katuparan St., corner Katibayan ng naturang barangay ganap na alas-9:10 ng umaga. Bago ito, kadadalo lamang umano ng biktima sa flag raising ceremony sa kanilang barangay at papauwi na sakay ng kanyang tricycle (2426-EC) nang biglang harangin ng motorsiklo ng mga suspect at pagbabarilin.

Matapos ang pamamaril ay agad na nagsitakas ang mga suspect habang ang biktima ay nagawa pang maisugod sa Fairview General hospital, ngunit makalipas ang ilang minutong gamutan ay idineklara itong patay.

Hinala ng pulisya na may kinalaman sa agawan sa lote ang ugat ng nasabing pamamaril bagay na iniimbestigahan ngayon ng mga awtoridad.

APAT

BRGY

FAIRVIEW GENERAL

GIL CORPUZ

HINALA

ISANG

KASUNDUAN ST.

KATIBAYAN

KATUPARAN ST.

MABILIS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with