^

Metro

Negosyante todas sa ambush

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Patay sa ambush ang isang babaeng negos­yante matapos na barilin sa ulo ng isang hindi nakiki­lalang lalaki sa lungsod Quezon kamakalawa.

Sa ulat ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police, na­kilala ang biktima na si Regina Morilla, 49, dalaga, tubong Misamis Occidental at residente sa #003 Vic­toria St., Brgy. Gulod, Nova­­liches sa lungsod.

Lumilitaw na naganap ang insidente sa panu­ lukan ng Villareal at Vic­toria Sts., ng nasabing ba­rangay ga­nap na alas-7:30 ng gabi.

Ayon kay Elizabeth Cruda, naghahanda siya ng hapunan nang maka­rinig siya ng malakas na putok ng baril mula sa labas ng kanyang bahay.

Agad na lumabas si Cruda upang alamin kung ano ang dahilan ng putok, hanggang sa tumambad sa kanya ang biktima na naka­handusay sa kalye at nali­ligo sa sarili nitong dugo.

Mula dito ay nakita niya ang isang lalake na may bitbit ng baril na tumatakbo at hinahabol ng mga istambay sa lugar.

Hindi naman naga­wang ma­lapitan ng mga istam­bay ang suspect dahil pina­pu­tukan sila nito kung kaya nagawa nitong maka­takas sa lugar.

Sa ngayon, inaalam pa ng mga operatiba ng CIDU ang tunay na motibo ng nasabing pamamaslang sa biktima.

vuukle comment

AYON

BRGY

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

CRUDA

ELIZABETH CRUDA

GULOD

MISAMIS OCCIDENTAL

QUEZON CITY POLICE

REGINA MORILLA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with