Barangay chairman timbog sa gunrunning

MANILA, Philippines - Arestado sa isang entrapment operation ang isang 70-anyos na barangay chairman na nakumpiskahan ng apat na piraso ng paltik na baril, sa Tondo, Maynila, kama­kalawa ng gabi.

Sa ulat ni Sr. Supt. Ernesto Fojas, dakong alas-5:30 kamakalawa ng gabi nang magka­sundo ang suspect na si Albino Arsolon  Gulfan Sr. ng #1213 Masinop St. Tondo at chairman ng Bgy. 42, Zone 3, District 1 at ang poseur-buyer na si PO2 Michael Pastor sa halagang P10,000 para sa binibiling tatlong kalibre .38 paltik.

Agad na isinagawa ang entrapment operation kung saan sa bahay mismo ng suspect gagawin ang transaksiyon.

Isang missed call naman ang naging hudyat ng pagsalakay ng mga operatiba kung saan nahuli sa akto si Gulfan habang hawak ang marked-money.

Bukod sa tatlong paltik na baril, nakuha rin kay Gulfan ang isang kalibre .45 baril.

Lumilitaw na matagal na umanong nagsasa­gawa ng kanyang ope­ras­yon ang suspect su­balit hindi lamang naire­report dahil na rin sa takot ng mga kapitbahay.

Kamakalawa ng gabi ay agad ding isinailalim sa inquest proceedings ang suspect sa paglabag sa Presidential Decree 1866 (Illegal Selling and Possession of Firearms).

Show comments