Residente ng Tahanan gagawing computer literate
MANILA, Philippines - Lumagda sa isang memorandum of agreement si Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte sa pagitan ng Asian College of Science and Technology (AcSat) at pamunuan ng QC Drug Treatment and Rehabilitation Center (Tahanan) para mabigyan ng basic computer literacy program ang mga residente nito tuwing Biyernes sa loob ng isang buwan.
Ang kasunduan ay nilagdaan ni Belmonte Tahanan Administrator Renato Gaudiel at Mr. Benjamin Sia, Vice President-COO ng AcSat.
Ang mga computer units na gagamitin kasama na ang printers at sound system ay pangangasiwaan ng estudyante at participants ng Tahanan. Ang Center ay magkakaloob ng Certificate of Appreciation sa Acsat dahil sa community at outreach purpose at sertipikasyon para sa Acsat instructor.
- Latest
- Trending