^

Metro

Mga ninakawan ng dolyar dapat lumutang - QCPD

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Pinapalutang ng Quezon City Police District (QCPD) ang mga nabiktima ng mga sindikatong nagwi-withdraw ng mga remittance kasunod ng pagkakadakip kamakailan sa isang mag-ina na responsable dito .

Ayon kay QCPD director Chief Supt. Benjardi Mantele, ang kanyang panawagan ay upang mapadali ang kanilang pagtukoy sa tunay na grupo o sindikato na may kagagawan sa na­sabing modus operandi.

Sinabi ni Mantele na ang pagkakadakip at pagsa­sampa ng kaso laban sa mag-inang sina Marieta Arrabe, 67; at anak na si Melanie 22 ng #14 Mercurio St.,Mabayuan, Olongapo City ay simula pa lamang upang matukoy ang sindikatong nag-o-operate nito.

Ang dalawa ay naaresto matapos na tangkaing i-withdraw ang dalawang dollar checks na nagkakahalaga ng $20,000 kaakibat ang pagpapanggap na sila ang may-ari.

Nabatid na ang matandang Arrabe ay nagpakilala sa alyas Lorna D. World, habang ang anak naman ay nagpakilalang si Shiela Domingo.

Sinabi naman ni Supt. Antonio Yarra, hepe ng CIDU­-QCPD ang mga nasa­bing tseke ay posibleng kabilang sa mga hinayjack sa isang van ng philpost na magdadala sana ng sulat sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila.

Sinasabing ginamit ng sin­dikato ang mag-ina para mag-encash ng pera, gamit ang mga pangalan ng nakuhang tseke.

Dagdag ni Yarra, sa sandaling makuha nila ang lahat ng impormasyon buhat sa mga biktima na lulutang sa kanilang tanggapan ay maaring matukoy nila kung sino ang nasa likod ng naturang iligal na operasyon.

Ang mag-ina ay nadakip nitong Martes ng umaga habang ini-encash ang tseke sa isang bangko (Asiatrust bank) sa lungsod.

ANTONIO YARRA

BENJARDI MANTELE

CHIEF SUPT

LORNA D

MARIETA ARRABE

MERCURIO ST.

METRO MANILA

OLONGAPO CITY

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with