^

Metro

Ebidensiya vs 10 extortionist na pulis, sapat - Sandiganbayan

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Kinumpirma ng Sandiganbayan Second Division na may sapat na ebidensiya ang prosekusyon upang maisa­ilalim sa guilty verdict ang 10 dating  police officers na inakusahan sa pagkotong ng  HK$300,000 at 10 kilo ng  shabu (meth) mula sa pinaghihinalaang mga Chinese drug traders­  noong 1998.

Sa siyam pahinang resolusyon, ibinasura din ng graft court ang mosyon nina dating Police  Director Reynaldo Acop, Supt. Francisco Villaroman, Chief Inspectors Julius­ Caesar Mana at Denn Reed Tuvera, Insp. Cesar A. Aquino, SPO2 Antonio C. Ventura, SPO2 Mabini Rosale, SPO1 Danilo Castro, PO3 Ferdinand Apuli at PO1 Anthony C. Ong na idismis ang kanilang kasong  direct bribery case dahilan sa sinasabing kulang sa ebidensiya.

Gayunman, napatunayan ng   Sandiganbayan na ang prosekusyon ay nakapagprisinta ng sapat na ebedensiya para maging liable ang mga akusado sa naturang krimen.

Ang bagay na ito ay sinang-ayunan ni Associate Justice Teresita V. Diaz-Baldos gayundin nina Associate Justices Samuel­ R. Martires at Edilberto G. Sandoval, division chairman.

Kinilala ng korte ang testimonya ng prosecution witnesses na sina Mary Ong alias ‘Rosebud’, kapatid nitong si  Peter Ong at Remus Garganera na nagdidiin sa mga akusado sa krimen.

Sa record , sinasabing si Chief Insp. Mana ay naka­kuha ng search warrant na inindorso nina  Villaro­man at Acop mula sa  Pasay RTC na ginamit ng mga ito para makapagsagawa ng  raid  sa  #62 Maria Clara St., Quezon City noong Disyembre 6, 1998.

Arestado dito na sina  Lu Shao Min, Wang Jin Luan, Jin Piao Wang Chua at Li Jiazhu.

Sinabi ni Mary Ong na ang apat ay napalaya at ang kaso sa mga ito ay nadismis sa city prosecutors office noong Pebrero  24, 1999  dahil daw sa kawalan ng interes ng mga witness na maipagpatuloy ang kaso.

Ani Rosebud, isang  Chong Hiu Ming ang nagbayad ng  HK$300,000 at nagbigay ng 10 kilo ng  shabu sa  raiding team upang mapalaya ang apat na  Chinese nationals.

Sinabi ni Ong na personal siyang nakipagkita kay  Hiu Ming sa Hong Kong upang makipag negosasyon tungkol sa  payoff at ipresenta ang records ng kanyang mga  telephone calls  kay  Campos , Villaroman at Major Avelino Abogado bilang ebedensiya.

Anang korte, ang testimonya ni Garganera ay nagpapatunay din sa sinasabi ni Ong dahil ito ay nakapagbigay ng detalyadong impormasyon kung paano naisagawa ang surveillance at raid at kung paano naipadala ang bribe money at shabu  sa mga akusado.

Si Peter Ong na umaktong driver at  interpreter para sa kanyang kapatid na si Mary Ong ay nag testify din at nag­sabi hinggil sa surveillance activities sa pinaghihinalaang drug traders at ang ginawang raid na mismong nakita nito.

Binigyang-diin ng Sandiganbayan na ang  defendants’ claim na si  Ong ay bahagi ng krimen na naisagawa nina dating Supt. Campos ay hindi naman nagpatibay o hindi nakapagbigay ng balidong  ground para balewalain ang mga pahayag ng mga ebidensiya ng prosekusyon.

ANI ROSEBUD

ANTHONY C

ANTONIO C

ASSOCIATE JUSTICE TERESITA V

ASSOCIATE JUSTICES SAMUEL

CAESAR MANA

MARY ONG

ONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with