^

Metro

On line registration ng mga sasakyan, isusulong

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - On-line registration ng mga sasakyan ang sagot upang tuluyang maglaho ang mga mapagsamantalang fixers sa paligid ng ahensiya.

Sa kanyang pagsasalitan sa ginanap na general membership meeting ng Philippine Finance Association (PFA) sinabi ni Land Transportation Office (LTO) Chief Virginia Torres na pangarap niyang matupad na maging fully automated ang proseso sa transaksiyon sa pagre­rehistro ng sasakyan upang maalis na tuluyan ang mga fixers. 

Anya, kapag naging on line na ang transaksiyon sa LTO, wala ng mga fixers ang makapagloloko sa mga inosenteng mamamayan na tutungo sa ahensiya para mairehistro ang kanilang sasakyan

Si Torres na dating casual employee ng LTO bago naging District head ng LTO Tarlac at ngayoy LTO Chief ay nag­sabing sa ilalim ng kanyang pangasiwaan ay umaasang maipatupad ang computerized motor vehicle registration.

Una nang sinuportahan ni Torres ang House Bill 952 o kilala sa tawag na Compulsory Registration of Heavy Equipment­.

Sa ilalim ng bill na ito, layuning mairehistro din ang mga heavy equipments tulad ng bulldozers, road graders, pay loaders, cranes at iba pa na hanggang sa ngayon ay hindi nairerehistro sa LTO at naibebenta at muling naibebenta sa ibang indibidwal na maaaring gamitan ng mga pinekeng dokumento.

vuukle comment

ANYA

CHIEF VIRGINIA TORRES

COMPULSORY REGISTRATION OF HEAVY EQUIPMENT

HOUSE BILL

LAND TRANSPORTATION OFFICE

LTO

PHILIPPINE FINANCE ASSOCIATION

SI TORRES

TARLAC

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with