^

Metro

Cableman patay sa kuryente

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Nasawi ang isang 35-anyos na lineman na nag­kaka­bit ng cable makaraang makuryente sa isang high tension wire ng Manila Electric Company (Meralco) at ma­bagok ang ulo sa semento sa kanyang pag­ bagsak, kama­ka­lawa ng hapon sa Las Piñas City. Hindi na umabot ng buhay sa paga­ mutan ang biktimang nakilalang si Raymund Sepe­ridad, cable installer ng SERDRN Cable Contractor, at naninirahan sa no. 700-A Daang Bakal street, Manda­lu­­yong City. Sa ulat ng Las Piñas police, naganap ang insidente dakong alas-3:50 ng hapon habang nag­kakabit si Seperi­dad ng linya ng cable television sa harapan ng isang basketball court sa may Tramo Road, Manuyo Uno, ng natu­rang lungsod. Nabatid na kasama ng nasawi si Ronilo Paduga, 31, cable agent. Sinabi ni Paduga na nag-aayos umano siya ng kableng gagamitin sa pagli­linya nang bigla siyang ma­karinig ng dalawang sunod na malakas na pagsabog at biglang pag­kawala ng supply ng kuryente. Nang tumingala siya sa itaas ng poste, wala na rito ang kanyang kasamahang si Seperidad at nakita na lamang niyang duguan ng nakahan­ dusay sa kalsada.

A DAANG BAKAL

CABLE CONTRACTOR

LAS PI

MANDA

MANILA ELECTRIC COMPANY

MANUYO UNO

MERALCO

RAYMUND SEPE

RONILO PADUGA

SHY

TRAMO ROAD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with