^

Metro

You Tube video giit ni Andal Jr. na iprisinta sa Quezon City court

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Iginiit ni Maguindanao ma­saker suspek Andal Ampa­tuan, Jr. sa Quezon City court na payagan siyang maka­pagprisinta ng news reports hinggil sa video na nasa You Tube bilang ebi­densiya na balikan ang kan­yang argu­mento na inosente siya sa kasong ito.

Sa kanyang komento na isinumite sa QC Regional Trial Court Branch 221 sa pama­ magitan ng abogado nitong si Atty. Sigfrid Fortun, hiniling ni Andal Jr. sa korte na isama sa mga ebidensiya para sa kan­yang depensa ang mga news reports sa mga pahaya­gan noong Agosto 12, 18, 19, 20, 24 at Setyembre 1, 2010.

Ang news reports at kolum anya ay tungkol sa isang video na naka-posted sa “You Tube” kung saan ang isang “Kumander Dalawie” ng  Moro Islamic Liberation Front ang nagsasabing ang kan­yang grupo ang pumatay sa 57 biktima ng masaker.

Sinabi ni Fortun na ang ebidensiyang ito ay ilan lamang sa mga listahan sa pre-trial conference sa kaso.

Gayunman, dapat anyang payagan ng korte na maipris­inta ang news articles na ito upang sumuporta sa pahayag ng depensa na wala silang kinalaman sa krimen.

Pero sa ngayon sinasa­bing ang naturang You tube news article ay wala na at burado na. Si Andal, Jr. at iba pang miyembro ng pamilyang Ampatuan ay ilan lamang sa 196 katao na sangkot sa umanoy pamamaslang sa 57 katao sa Maguindanao noong Nobyembre 23, 2009.

ANDAL AMPA

ANDAL JR.

KUMANDER DALAWIE

MAGUINDANAO

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

QUEZON CITY

REGIONAL TRIAL COURT BRANCH

SHY

SI ANDAL

YOU TUBE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with