^

Metro

PNP umalerto vs Christmas crimes

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Umalerto na kahapon ang Philippine National Police (PNP) bilang paghahanda laban sa Christmas crimes par­­ti­­kular na ang robbery/hol­ dup, hijacking, carnapping at kidnapping for ransom (KFR) parti­kular na sa urban areas kabi­lang ang Metro Manila.

Ayon kay PNP Spokesman Sr. Supt. Agrimero Cruz Jr., karaniwang tumataas ang insidente ng kriminalidad sa pagpasok ng ‘ber months’ kaya pinaghahandaan na ng PNP ang pag-atake ng mga sindikato at kriminal dahil sa nalalapit na kapaskuhan.

Inihayag nito, inaasahan na ng PNP ang pagtaas ng bilang ng kriminalidad tulad ng robbery/holdup katulad ng naga­nap na holdapan sa sangay ng Banco de Oro sa Dasmariñas, Cavite nitong Lunes.

Dahil dito, inatasan na ni PNP Chief Director General Jesus Verzosa ang lahat ng mga National Support Units, kasama na ang Highway Patrol Group, Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), Police Anti-Crime Emergency Response (PA­CER) pati na ang mga Regional Police Directors hang­gang sa mga hepe ng istas­yon na magsumite ng kani­lang anti-crime plan.

Nabatid na nito lamang nakalipas na linggo ay nag­pakalat ang National Capital Region Police Office (NCRPO) ng 1,000 pulis sa Metro Manila para bantayan ang mga pam­publikong lugar lalo na sa bisi­nidad ng mga shopping malls at pook pasyalan.

AGRIMERO CRUZ JR.

CHIEF DIRECTOR GENERAL JESUS VERZOSA

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

HIGHWAY PATROL GROUP

METRO MANILA

NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE

NATIONAL SUPPORT UNITS

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

POLICE ANTI-CRIME EMERGENCY RESPONSE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with