^

Metro

PGH hindi muna tatanggap ng mga manganganak

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Nagpalabas ng advi­sory ang pamunuan ng Philippine General Hos­pital (PGH)  na hindi muna tatanggap ng manganga­nak ang pagamutan simula Setyembre 8 (Miyerkules) na tatagal sa loob ng 2 linggo para sa regular na paglilinis sa kanilang nur­sery upang matiyak ang kalinisan sa pasilidad.

Ayon sa  tagapagsalita ng PGH  na si Dr. Michael Tee, bagamat sarado ang kanilang OB admitting sec­tion  ay mananatili naman ang serbisyo nito para sa ibang OB cases, bukas umano ang kanilang OB-Gyne Department para sa anumang konsultasyon gayundin sa OB emer­gency, hindi lamang ma­aaring tumanggap ng manganganak dahil sa walang nursery na pagla­lagyan ng mga bagong silang na sanggol.

Ipinaliwanag ni Tee na quarterly ang kanilang isi­na­sagawang paglilinis sa nursery  bilang pag-iwas na rin sa mga sakit na ma­aaring dumapo sa mga bagong silang na sanggol gaya ng neonatal sepsis

Nakikipag-ugnayan na umano si PGH Director Dr. Rolando Enrique Domingo sa mga kalapit na ospital hinggil sa mga referrals sakaling mayroon man lalo na ang mga manggagaling sa lalawigan..

Inamin ni Tee na kara­niwang “crowded” ang ka­nilang nursery dahil sa dami ng pasyenteng dina­dala dito partikular ang mga may mga sensitibong kaso gaya ng pre-term labor, nabatid na 45 lamang ang kapasi­ dad ng kanilang nursery subalit kadalasan ay uma­abot ito sa 70 hanggang 80 sang­gol, aniya,  nasa 20 pas­yente  umano kada araw ang nanganganak sa PGH.

AYON

DR. MICHAEL TEE

DR. ROLANDO ENRIQUE DOMINGO

GYNE DEPARTMENT

INAMIN

IPINALIWANAG

PHILIPPINE GENERAL HOS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with