^

Metro

Obrero dedo sa resbak

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Hindi akalain ng isang obrero na ang pagsagot niya ng “wala” ang magdudulot sa kanya ng kapahamakan makaraang pagbalingang barilin at mapatay ng isa sa dalawang suspect na nagalit makaraang hindi makita ang kanilang hinahanap na kaaway na reresbakan sa lungsod Quezon, iniulat kahapon.

Si Domingo Rabina Jr., 40, ng G. Araneta Avenue, Brgy. Tatalon ay binawian ng buhay sanhi ng dalawang tama ng bala sa kaliwang tagiliran.

Samantala, isa naman sa mga suspect na nakilalang si Edgar Castillo, 18, binata ng nasabi ring lugar ay agad na naaresto ng mga barangay tanod sa isinagawang fol­low-up operation habang ang bumaril na kasamahan nito na si Glen Solares, 25, ay mabilis namang naka­takas.

Nangyari ang insidente sa may bahay ng biktima ganap na alas-10:30 ng gabi. Bago nito, ang suspect na si Solares at bayaw ng biktima na si Aristeo Balana ay nagkaroon ng pagtatalo sa isang tindahan na nauwi sa suntukan kung saan natalo ng huli ang una. Dahil hindi matanggap ni Solares ang pagkatalo ay bumuwelta ito kasama si Castillo, na may bitbit ng baril kung saan naabutan nito ang biktima sa harap ng kanyang bahay.

Mula rito ay galit na tinanong ni Solares ang biktima kung nasaan ang tumalo sa kanya ng suntukan na si Balana at nang sagutin ng huli ang una ng “wala” ay agad siyang pinaputukan nito saka nagsipag-alisan sa lugar.

ARANETA AVENUE

ARISTEO BALANA

BALANA

BRGY

DAHIL

EDGAR CASTILLO

GLEN SOLARES

MULA

NANGYARI

SI DOMINGO RABINA JR.

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with