^

Metro

Gulong sa bubong, tanggalin - MMDA

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Nanawagan kahapon ang Metropolitan Manila Deve­lopment Authority (MMDA) sa publiko na tanggalin na ang mga gulong na ginagamit na pampabigat ng bubungan na siyang pinangingitlugan ng mga lamok na nagdudulot ng “dengue” sa naiipon na tubig sa loob nito.           

Ang   panawagan ay bahagi ng kampanya ng MMDA na malinis ang mga barangay sa Metro Manila at maiwasan ang pagkalat pa ng nakamamatay na sakit na dengue. Iniulat din kahapon ng MMDA ang mata­gum­pay na “clean-up operations” sa Tatalon, Quezon City at Tondo, Maynila sa ilalim ng programang “Lingap Barangay” kung saan isusunod naman ang paglilinis sa ilang barangay sa Pasay City ngayong linggo at isusunod ang Valenzuela City. 

Target ng MMDA na malinis sa basura ang mga kal­sada, ang mga baradong kanal at esteo at matanggal ang mga pinamumugaran ng mga lamok. Pinuri ng MMDA ang kooperasyon ng mga residente ng Maynila at Quezon City sa pagtatanggal ng mga gulong sa ka­nilang bubungan.

INIULAT

LINGAP BARANGAY

MAYNILA

METRO MANILA

METROPOLITAN MANILA DEVE

PASAY CITY

QUEZON CITY

VALENZUELA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with