US Embassy sarado ngayon

MANILA, Philippines - Isinapubliko ng US Em­bassy na walang anumang transaksyong magaganap sa kanilang tanggapan nga­yong araw (Lunes) bilang pag-obserba sa Labor­ Day ng Estados Unidos.

 “The US Embassy Manila­ will be closed on Monday, September 6, 2010 in ob­ser­ vance of the US Holiday, Labor Day,” anunsiyo ng em­bahada sa Face­book page nito.

Babalik sa normal ang operasyon ng US Embassy bukas (Martes).

Nabatid na ang US Labor­ Day ay naging fe­deral holiday noong 1894.

Show comments