Single mom hulog mula sa 19th flr. ng condo
MANILA, Philippines - Pinag-aaralan ng pulisya ang pagsasampa ng kaukulang kasong kriminal laban sa isang lalaki matapos na mahulog mula sa ika-19 palapag ng condo hotel ang kanyang syota sa Barangay Poblacion Makati City kamakalawa.
Nasawi sa pagkabagok ng ulo si Lesly Casala, 25, kawani ng Lesly Corporation sa Dama de Noche St., United Parañaque Subdivision, Parañaque City.
Bagamat hindi pa maituturing na suspek, sumasailalim ngayon sa imbestigasyon si Dominador Medina.
Lumilitaw sa imbestigasyon ni PO3 Jayson David, magkasama ang dalawa sa Room 1901 Sunnet Tower na naganap ang insidente dakong alas-3 ng madaling-araw.
Nabatid sa ulat na nagising na lamang ang lalaki na wala sa kanyang tabi ang babae
Matapos ang ilang minutong paghahanap ay tinawagan siya ng staff ng condo hotel na may nangyari.
Ayon sa salaysay ni Dominador, bago maganap ang insidente, naging balisa ang biktima sa hindi malaman na dahilan.
Nabatid na dalawang buwan nang mag-syota ang dalawa kung saan tanggap naman ng lalaki ang kalagayan ng babae na may anak ito sa iba.
- Latest
- Trending